Tuesday, July 17, 2012

PAHIMAKAS


Ako’y nagtataka sa tuwing aking nababasa,
Maaanghang mong salita na di tanggap ng aking panlasa.
Alam kong sa piling ko’y maraming beses kang nahirapan,
Ngunit alam ko ring sa tabi ko’y maraming beses kang nasiyahan.

Hindi mo ba naiisip?
Mga ginagawa mo’y pasakit.
Sana naman maramdaman mo
Na sa mga paratang mo’y nasasaktan din ako.

Maluwag kong tinanggap,
Pagkawala mo ng isang iglap.
Pinilit kong sakit ay iwasan,
Nang sa ganun ika’y makalimutan.

Hangad ko ang maluwag mong paglaya,
Kahit alam kong masakit magparaya.
Ngunit dahil minahal kita ng lubusan,
Taos puso kong tinanggap ang iyong paglisan.

Hangad ko rin ang iyong kaligayahan sa iba,
Tulad ng nararamdaman ko sa piling nya.
Hayaan na nating lumipad sa kalawakan,
Ang malulungkot at masasayang nakaraan.

Ngunit bago natin tuluyang wakasan,
Muli nating balikan,
Mga di mabilang na alaala.
Mga walang katapusang saya.

Natatandaan mo pa ba?
Pagtakas mo upang ako’y makita.
Ilang gabing ginawa mo ito,
Para lamang makasama ako.

Muli rin nating sariwain,
Nang sabay nating pangarapin.
Na ika’y maging isang buwan.
Ako naman ay bituin sa kalawakan.

Atin ding ungkatin,
Mga gabing naging atin.
Sa mga panahong ito,
Pinag-isa tayo, kahit papano.

Pero lahat ng yan tapos na.
At mananatiling alaala.
Hayaan nating tayo ay lunurin.
Nang mga kanya kanya nating hangarin.

Sikapin din nating wag nang ulitin,
Mga pagkakamaling ginawa natin.
Nais kong ipaalam sayo
Labis ang kasiyahan nung naging tayo.

Ako’y nagpapasalamat din sa’yo,
Nung naging tayo maraming nagbago.
Ito’y ating bigyang halaga at importansya.
Para sa ating ikaliligaya.

Halina’t ating baguhin,
Gawin pang mas maganda ang daang tatahakin.
Di baleng tayo ay kanya kanya,
At least tayo’y parehong masaya.

Aking sininta, paalam na sa'yo.
Nawa'y hindi ka magbago.
Sadyang di na kita masasamahan,
Na dugtungan pa ang ating nakaraan.

------------------------------------------------------------------------------------------------

First time kong magsulat ng tula. Hope you like it.

18 comments:

  1. awwwww.... lungkot naman...

    ReplyDelete
    Replies
    1. malungkot nga pero pagkatapos kong sulatin yan parang handa na naman akong buklatin ang panibagong pahina ng aking libro..

      Delete
  2. Next... masayang alaala ;D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo. tinatapos ko na yung kadugtong na mga happy moments. XD

      Delete
  3. bravo! dagdagan mo pa zen :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. just posted another 4 paragraphs. :) salamat te prea.

      Delete
  4. gawa ka rin short story na tagalog :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. try ko po te prea. haha. nabuhay bigla dugo ko. sa boosting nyo.. galing nyo magboost saken. XD tnx.

      Delete
  5. yeah..try u gawa ng short story..i wud love to read it

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmm. i-try ko po. im conceptualizing what will be the plot.

      Delete
  6. {doraemon}= Bravo Zen...

    ReplyDelete
  7. Nice poem.
    With all the heart and mind ang pagkakabou nito.
    Hula ko inspired by experience toh..
    hehehee..

    <3

    fivyred

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you fivyred. mula sa puso ang pagkakagawa nyan. totoo at walang bahid ng kasinungalingan. haha. :)

      Delete
  8. nice . . pwede nang kantahin nang pa RAP.

    ReplyDelete
  9. Himig Handog lyrics ba eto?? Ikaw na malalim magtagalog :D


    Itry mo BISAYA :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha.. makaya ko pag bisaya noh? baka di ko ma express yung sasabihin ko. haha. parang musika lang di ba?? hehe..

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...