5:30am.
Isang text ang pumukaw sa aking mahimbing na tulog. "Good Morning Guys! Magprepare na tayooo..", yan ang text message sa akin ni Kit. Pupungas-pungas man ay pinilit kong bumangon para ma-meet ang call time, 7:00am sharp!
Ligo. Impake. Kain. Kape at kape. Dali dali kong inayos ang aking sarili dahil malapit ng mag-alas siyete. Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkadelay ng lakad. Ako na nga ang nagpapilit para makasama at ayokong ako pa rin ang maging dahilan ng aberya sa tamang oras ng pag-alis.
Kumakain kami ni Eduardo ng maulinigan ko ang yawyaw ni Noemi.. "Ano ba yan.. Kala ko ba alas siyete!", tanong nya kay Jogie at Sarah. Tawa lang naman ang naging sagot ng dalawa.
Maya maya pa ay dumating na ang iba naming mga kasama. Si Eli at ang kanyang pamilya, si Nic, si Cyrill, si Roey saka si Charlyn. Maingay, marahil dulot ng kanilang sobrang galak! Agad ding dumating ang sasakyan namin kasabay si Lonel.
May mga ngiti at halaklak sa bawat labi. Kanya kanyang bitbit ng bag laman ang kanilang damit pampaligo. Excited ang bawat isa. Excited mapuntahan ang lugar at maisakatuparan ang dalawang linggong plano. Haha. Nagpagkasunduan na lang na daanan si Kit at ang kanyang special someone dahil madadaanan naman ang kanilang lugar papunta sa Carmen, Calinan, Davao City. Si Esen na lang, okay na kami.. Saka pala ang pagkain. :)
7:00am.
Everyone is set yet may kulang. Wala pa si Aldwin. Haha. Whats new? Palaging late. Pati ba naman sa outing late pa rin? Hahahaha.. Lumipas ang ilang mnuto... wala pa rin! Naghintay... ilang minuto pa.. hahay.. wala pa rin. Walang anino ng Aldwin. Ni walang abiso kung sasama o anong plano. :/
Sa kakahintay, naisipan mag-"Piktyur! Piktyur muna.."
Nakailang flash na ang camera, wala pa ring dumadating na Aldwin. We then decided to leave at tinext na lang na humabol sya..
(To be continued..)

bakit bitin?tinamad ka na magsulat noh???tapusin mo oi at ako'y nag eenjoy magbasa...:D
ReplyDeleteSalamat Noems. excited much?? haha... to be continued..
Delete