Tuesday, August 28, 2012

HOLIDAY GETAWAY (Part 2 : Music and Stopover!)

Part 1 : Call Time & Departure

Nakailang flash na ang camera, wala pa ring dumarating na Aldwin. We then decided to leave at tinext na lang na humabol sya..

8:09am

So ayun! Natuloy din ang pag-alis ng sasakyan. Masaya. Tawanan, biruan, kulitan. Halakhak dito. Halakhak doon. Walang sawang music.


Pagkatapos ng isa. Play na naman ulet ng isa. Pero, TEKA! ano tohh? Puro Meri Lewa ng O-Shen ang paulit ulit na naririnig ng aming mga tenga. Hindi lang isa o dalawang beses! Haha. More than 7x atang tumugtog ito na lalong nagpalakas sa aming tawanan.

Maya maya pa.. may nagrequest.. Di ko mawari kung sino pero ang request nito... Meri Lewa na naman. Haha. Nakakaloko at nakakaloka! Hahaha!

Ilang sandali pa.. Kringgg! Kringgg! HALA! Telepono ko, TUMUTUNOG! 7 Missed Calls. Bakit kaya? Holiday naman eh may tumatawag pa! Kliyente pa. Spoilers!! (hehe..)

Kuya? Kuyaa! tawag ko sa driver para huminto sandali at makapag-return call. Bumaba ako saglit at humanap ng pwestong tahimik. Tsk! Bad Timing!...

"Hi Sir.. Good Morning.. " ..bungad ko.. Blah! Blah! Blah! Mahaba ang aming naging pag-uusap. Bored na nga ako kase sa dami ng sinasabi nya na hindi ko naman masyadong maintindihan, marahil sa excitement ko sa outing. Sa kakaikot ko sa nakuhang pwesto.. Nakakita ako ng puno ng durian, First Time! May bunga  pa.. AAAhhh. Ganito pala ang itsura!. Now I know..

Tuloy ang saya! Haha. Byahe ulet. Isantabi muna ang trabaho. Kaya nga naimbento ang salitang "holiday" eh.

And finally, nakarating na rin sa bahay nila Esen. Kung saan, naghihintay ang aming... PAGKAIN! haha.. Suit yourselves..ika nga.. Upo. DOTA! May nag-pa aircon pa! PAGKAnalang..

Sinamantala ko na rin makigamit ng laptop para magcheck ng emails. Hehe.. Nagwoworry pa rin naman ako sa trabaho ko. :)

Pahinga. Pictures. Pahinga. Pictures. Pictures. PICTURES! Kuyawa sa mga models at gitarista. Haha. Meron pang nag-DOTA!













(To be continued..)

4 comments:

  1. i like it.parang nagbabasa lang ako ng nobela...hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. Salamat. XD Feeling writer naman ako. :)

      Delete
  2. hindi ko kilala si meri lewa hehe.. saya ng outing :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Ang saya nga.. hehe.. Meron pa tong kasunod! Part 3 Yung place na pinuntahan namin.. XD

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...