Tuesday, August 28, 2012

HOLIDAY GETAWAY (Part 3 : Arrival)

Part 1 : Call Time & Departure
Part 2 : Music & Stopover!

Habang naghihintay matapos maluto at maihanda ang pagkain, dumating din si Aldwin. Parang "Star of the Night!" lang ang peg. Hahaha. Humabol nga! 

Nakumpleto rin kame as planned. Sayang wala si Mabelle....but we understand. Umuwi sya ng Bukidnon. Nag-attend kase sya ng binyag at kasal. Dami nyang commitments no? Parang tatakbo lang bilang Kapitana sa barangay! Kaliwa't kanang commitments. Hahahaha!

Eto ang ebidensya oh: ------>

Yellow is the color. From head to toe(?).. BEAUTIFUL, inside out!

Finally, everything is in order. Ready. Set. Go. Lakbay ulet, this time sa tunog naman ng "Cool Down". What's new? Paulit ulit din 'to. Hahaha.. Mapakinggan nga ulet.

Now Playing: Cool Down - Kolohe Kai


After hours of road trip, laughter and music, nakarating din. BAGUIO DISTRICT CALINAN DAVAO CITY. Pinawi ng excitement ang pagod sa mahabang oras at maalog-alog na byahe. Oo, rough road ang daanan pero ayos naman. Sa sobrang layo eh parang dinala kami sa dulo ng daigdig, yung tipong ang akala mo eh bilang lang ang tao na nakakarating. Hehe..

Pumarada ang sasakyan. Kung gaano kabilis namatay ang makina ng sasakyan eh ganun din kabilis nagsibabaan ang mga kasama ko. Sinabayan pa ng sobrang ingay dahil siguro nawala ang inip sa paghihintay at pagod sa halos  isa't kalahating oras ng byahe!

Agad kong napansin na tila sa loob kami ng gubat napadpad. Gubat kung saan may nakatagong tila paraiso sa aking paningin. Maalinsangan ang panahon pero nararamdaman ko ang dampi ng malamig na hangin sa aking balat.

Ito ang bumungad sa akin:

"isang lokal na paraisong binabalot ng luntiang kapaligiran dulot ng mga puno at halaman na pinapaibabawan ng bughaw na kalangitan at malabulak na ulap. :) Napakasarap langhapin ng hangin..malamig..sariwa!"



Na-excite ako bigla. Natuwa sa nalanghap na sariwang hangin. Halos hindi ko na namalayan na busy na pala sila sa pagbayad ng entrance fee. Haha. Swabe! 20 pesos na entrance fee at 20 pesos din sa parking fee. I hurried to the group para iabot ang bayad ko kasabay ang isa pa naming kasama, P60. :)

Maya maya pa, nag-aya na ang karamihan patungo sa loob nito..

(To be continued...)

2 comments:

  1. can't wait for part 4...parang twilight lang ah....kung maka series and author wagas

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. sinisingit ko lang kase tong pagsusulat na to. hehe. :) paghulat beh.. :P

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...